usyoserang kano
Hindi ko sukat akalain na kahit isang kano ay mahilig umusyoso ng aking “blog”.
Nagpatawag ng isang press release ang aming kompanya nuong nakaraang linggo. Isa kasing manunulat, reporter ng isang kilalang business newspaper ng aming lalawigan, ang nagpahiwatig ng kagustuhang malaman ang mga bagong kompanyang pangkalakalan.
Ako namang si lukaret, naghanda talaga, magmula sa pananamit hanggang sa isang nakapangingilabot na speech. Talagang galak na galak ako ng mga oras na iyon.
Nang kami’y nagsimula, nagtanong ang reporter tungkol sa aming plano. Ako nama’y sumagot ng katakot-takot at nakakapanabik na mga vision statements. Dire-diretso talaga ang inglis ko, kasi ikako, kagalang-galang dapat ang aking imahe.
Hindi ko na matandaan kung paano pumasok sa usapan, ngunit bigla na lamang siyang nagpakita ng isang panayam. Agad kong nahalata, puchak, BLOG KO YAN! Yung itong sa Friendster!
Interesado ang reporter. Ang daming tanong tungkol sa aking mahal na asawa bilang isang ulirang ama sa kanyang anak. Isinaad ng reporter na napaganda ang kwento ng aming buhay. Nagpasalamat na lamang ako, at agad kong ibinalik ang usapan tungkol sa negosyo.
Akoy bihirang matulala, ngunit sa pagkakataong iyon, hindi talaga ako nakapagsalita. Agad-agad kong naisip ang mga sumusunod:
1). Tama ba yung englis ko?
2). Nagmura ba ako?, at
3). May naipalabas ba akong karumal-dumal na balita?
Akala ko talaga walang nagbabasa, dahil wala naman akong maraming “comment” dine sa blog. At buong akalain ko na rin na ang mga kaibigan ko dito sa Friendster ang sya lamang ang makakalalam. Hindi pala.
Hay naku, sa katangahan ko talaga.
Mga mahal kong kaibigan, ako’y magsusulat na lamang sa ating pambansang wika hanggat sa maaari. Hihintayin ko na lang na mapawi na sa mundo ang mga amerikanong tsismoso kahit pangsamantala lamang.
Pahabol — Bukas daw ipapalabas ang artikulo * kaba * kaba* kaba * Hay talagang nanginginig na ako sa takot!
August 23rd, 2007 at 5:35 pm
Grabe! Naka-treinta minutos man ko basa sa post mo, indi ko nga daan kasampot magbasa pambansang wika. Mwahahahah!
O di bala, bilib ang mga kano sa blog mo. Link ka sa article site ha, para mabasa man namon.
Kag, FYI, wala ka kabalo, kadamo na sang gabasa diri. Laban lang galing lurkers.
Ipagpadayon….!
@:)
August 23rd, 2007 at 8:37 pm
Nabaliw ako sa balita mo. Ang mahalaga, napatunayan mo na kahit buhay mo yan at iyo lang, panalo ka pa rin! Haha!
August 24th, 2007 at 12:28 pm
grabe tagalog mo!!! masyadong malalim ang iyong abilidad magsulat ng ating sariling wika! hinihiling ko na bigyan mo kami ng oportunidad na mabasa itong artikulo na iyong ikinagagalak—nais ko iukol ang aking oras na mabasa ito!
August 30th, 2007 at 11:45 am
Ha Ha Ha — a very angry CHARLOTTE wrote me this comment:
“You better go back to writing in English! Damn– I am a flawless Tagalog romance novelist but I swear, binudlayan ako it basa sa imong tagalog blog! Linte! It was like reading BALARILA ni LOPE K SANTOS from the Archives! Pabay-i ro mga tsismosong kano- no matter how they try, no one beats the Filipinos’ natural talent in oral history. We are the original chismoso at chismosa (e.g., Kris Aquino and Ruffa Gutierrez). At least na-feature kayo sa magazine, hehehe.”
September 7th, 2007 at 1:32 am
Che!! I agree kay Charlotte! hahaha, english lang ah, sadya pa.
February 5th, 2008 at 4:45 am
i like this… ayawan eang sanda it binasa nang..indi sanda kaoebot! hehehe… ingats lang pirme nang. god bless po.. =)
June 26th, 2009 at 10:54 am
napabilib mo ako sa imong, hai sus! kadaeom nga tagalog! perpek,che!!